Abante Tonite Interactive

Freedom of information

By
0 121

May rebelasyon si Senador Panfilo Lacson. Hindi lamang 60 million kundi 160 million ang pork barrel ng bawat kongresista. Ito raw po ay binubuo ng mga hard project na P100 milyon.

Ang mga hard pro­ject po ay mga infrastructure project gaya ng daan etc. Ang P30 mil­yon ay mga soft project na kadalasan ay financial assistance para sa kanilang mga constituent. Sa mga infra project kadalasan nagkakaroon ng korapsiyon. Diyan kumukuha ng porsi­yento ang mga tongressman at senatongs.

Kaya pinagbawal na ng Korte Suprema dahil napakada­ling pagkakitaan ng mga korap ang mga proyekto umano nila sa kanilang mga constituent. Pambibira, kung kailan pa pinagbawal, doon pa lumaki.
Dati P70 milyon lang ang pinoporsiyentuhan ng mga ogag. Ngayon, P160 milyon na. At ang masama, ang Malacañang ang nagsingit ng dagdag na isandaang milyon sa bawat kongresista. Ang tanong, bakit?

Marami ng tinanggal si Presidente na mga opisyal ng kanyang gobyerno dahil sa katiwalian. Meron pa nga siyang tatanggaling mga opisyal ng DAR dahil involved raw sa korapsiyon. Pero wala hong dating ang mga pagsibak na ito dahil ang mas ma­laki, ang sistematikong korapsiyon sa mga institusyon, gaya ng nangyayari sa house of representatives ay nagpapatuloy.

Kumbaga sa war on drugs, ang pinupuksa lang ay ang mga iskinita pusher. Ang mga bigtime, hindi dina­dale. Ganyan din ang siste sa war on corruption. Ang masama, kakuntsaba pa ang Malacañang sa pagbibigay pagkakataon na sila ay makapagnakaw.

Puro porma lang ang nakikita natin…