Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fried rumatsada sa Braves

0 43

Matikas na kinamada ni Max Fried ang six innings, itinuloy ng Atlanta bullpen at tinusta ng Braves ang Milwaukee Brewers 3-0 sa Game 2 ng kanilang MLB National League Division Series nitong Sabado.

Nagbuhol sa tig-isang laro ang best-of-five, lipat ng Atlanta ang Game 3 sa Martes (araw sa Manila).

“He was phenomenal,” ani Atlanta third baseman Austin Riley sa left-handed teammate. “He came out, pounded the zone. He’s been doing that since the All-Star break.”

Related Posts

Naka-homer sa sixth si Riley.

Naiporma ng Brewers ang tying runs sa bawat isa sa final three innings pero hindi bumigay ang Braves bullpen. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.