Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fronda akyat sa top spot

0 46

SUMAMPA sa top spot si WIM Jan Jodilyn Fronda matapos kalusin si WCM Prommuang Araya ng Thailand sa round 5 ng 31st Southeast Asian Games chess tournament kahapon sa Ha Long, Quang Ninh, Vietnam.

Nakalikom na si Fronda ng 3.5 points sa 10-player single round robin upang sumalo sa five-way tie sa top spot.

Kailangan manalo ni 28-year-old Fronda sa sixth round kontra WGM Hoang Thi Bao Tram ng Vietnam para mapanatili nito ang pagkapit sa No. 1.

Ang ibang woodpushers na nasa unahan ay sina Indonesian bet WIM Citra Dewi Ardhiani Anastasia at IM Sukandar Irine Kharisma, WGM Vo Thi Kim Phung at Hoang na mga pambato ng host country.

Laglag sa pang-anim na puwesto si Pinay WGM Janelle Mae Frayna matapos yumuko kay Vo Thi. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.