Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Frontliner hinataw ng bakal sa expired swab test

0 52

Arestado ang isang lalaki matapos nitong paghahampasin ng metal bar ang isang frontliner na nanita sa expired na RT-PCR Test result sa Zamboanga City.

Himas rehas ngayon ang suspek na si Bobby Daniel y Maningo, 30, taga-Barangay Tictapul matapos niyang atakihin ng metal bar si Aldrin Arellano Suazon, 47, empleyado ng Health Office ng Zamboanga City. Nagtamo ng bali sa braso, mga pasa, sugat at nakatakdang operahan ang biktima.

Sa ulat ni Police Captain Edwin Duco, ng Police Regional Office (PRO) 9, ika-3:00 ng hapon nitong Pebrero 13 (Sabado), habang nagbabantay sa Barangay Licomo border control ang biktima ay dumaan ang suspek para pumunta sa kabilang barangay. Nagpakita ito ng swab result na negatibo ito sa COVID-19 subalit hindi ito pinapasok ng una dahil expired na ang swab test nito.

SM food to go Banner Ad

Alas-5:00 ng hapon ng sumunod na araw ay nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek at kinompronta ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay pinagpapalo ng steel bar ng suspek ang biktima at tinangkang tumakas subalit nadakip din ng pulisya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.