Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fuel tanker bumulusok sa bangin, 2 tigok

0 40

Dalawa ang patay ha­bang tatlo ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang fuel tanker at saka magliyab sa Bagabag, Nueva Vizcaya, Linggo ng gabi.

Sa report ni Police Maj. Romeo Barnachea Jr. ng Bagabag Police Station, si­nasabing galing sa Pulilan, Bulacan ang nasabing tanker at mayroon itong laman na 40,000 litro ng krudo bago mahulog sa tulay.

Patungo ito sa direksi­yon ng Isabela pero pagdating sa San Lorenzo Bridge sa Brgy. Baretbet, Bagabag ay tumama ito sa kaliwang railing ng nasabing tulay.

Doon na tuluyang na­hulog ang tanker at saka nagliyab nang bumagsak sa pinakailalim ng tulay, alas-11:00, kamakalawa ng gabi.

“Nakausap natin ‘yong isang survivor, parang na­kaidlip daw ‘yong driver nila… ang bilis daw ng pangyayari,” ani Barnachea.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakuha ang bangkay ng drayber at pahinante ng tanker. Hindi naman makita ang ibang kasama.

Itinakbo sa ospital ang ibang sugatan na sinasabing nakisakay lang sa tanker.

Samantala, nadamay sa sunog ang bunkhouse sa ilalim ng tulay. Wala namang nasaktan sa mga trabahador.

Agad nagsagawa ang Department of Public Works and Highways ng damage assessment sa tulay habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insi­dente. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.