Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fultz out sa season

0 51

Kung kailan maganda na ang pinapakita ni Markelle Fultz sa 2020-21 NBA regular season, saka naman tinamaan pa ng matinding injury.

SM food to go Banner Ad

Sa laban ng Orland Magic kontra Cleveland Cavaliers nitong Miyerkoles, sinubok ni Fultz ang depensa ni rookie Isaac Okoro nang mag-drive sa gitna ng court sa first quarter.

Ngunit paghakbang ng kanyang kaliwang paa, biglang bumigay ang tuhod at napahiga sa sahig. At ayon sa mga espesyalista, ACL injury ang tama ni Fultz, na posibleng magpagarahe na sa kanya sa kabuuan ng season. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.