Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Fundraising concert sa anak ni Super Tekla kasado na

0 648

Todo ang pasasalamat ni Super Tekla sa mga tumutulong at sumusuporta para sa operasyon ng kanyang anak na si Baby Angelo. Isinilang kasi ito na may anorectal malformation. Succesful ang unang unang operasyon sa bata pero muling sasailalim sa surgery.

Mamayang gabi, 7PM ang fundraising online concert ng mga Kapuso stars para sa baby niya. One Heart for Baby Angelo ang titulo nito.

Post niya sa kanyang Instagram account, “Mamayang gabi na po ang Benefit online show para sa aking baby. Live po yan sa Facebook account ng @gmanetwork @gmaartistcenter @YouLOL MARMING SALAMAT PO SA AKING GMA FAMILY..”

Magpe-perform sina Ai Ai Delas Alas, Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Ken Chan, Rita Daniela, Kristoffer Martin, EA Guzman, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Golden Cañedo, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, Jeniffer Maravilla, Boobsie, at Kim Idol .

Magsisilbing host sina Glaiza de Castro at Boobay .

Hindi raw makakasali si Super Tekla dahil hindi pa niya kayang magpatawa at mag-perform dahil sa pinagdadaanan.

Mapapanood ito sa official Facebook pages of GMA Network, GMA Artist Center, and YouLoL.

Todo rin ang pasasalamat ni Super Tekla.

“Thank you Lord sa lahat ng support at mga nagdarasal, nagbibigay,ng tulong financial, via Gcash,at Bdo account. Sa aking Tahanan GMA network! Salamat sa pinakamamahal naming Boss Atty. Felipe L. Gozon, Thank you Boss for granting a benefit show for my little boy baby Angelo, GMA foundation, GMA Artist Center, sa Entertainment Group headed by Ms Lilybeth, Ms Redgie, Ms Cheryl at mga PM, lalong lalo na sa aking BDD2 family Ms Janine, Ms Bang, Ms Mildred at Ms NiniMatilac, at sa aking manager Rosemarie Parado Conde. Salamat din sa ating mahal at public servant na nagbigay na tulong kay Baby Angelo, SEN. BONG REVILLA JR., SEN. BONG GO. Thank you rin kay Ninong willie Wilfredo Revillame at ninang Donita Nose at sa mga kasamahan ko sa industry, Direk ArchieRiola, Direk Rico Gutierrez at sa aking sobrang bait at kahit anung oras at sitwasyon anjan sya Ninong NelsonCanlas. Salamat sa mga nag bid sa Auction ni ninang Lovely Abella kagabi para sa operation ni Baby Angelo AT sa AOS Family, sa mga kapwa ko comedians lalo na sa aking partner na si Boobay Norman Balbuena. Sa patuloy nyong pagdarasal at tulong financial, malaking tulong sa aking little boy Angelo na mabigyan ng chance na masilayan ang mundo natin.

“Alam ko ang busilak ang mga kalooban ng mga taong ito Panginoon, instrumento lng kaming Lahat. Pinapaubaya ko na po sa Inyo Ang buhay at kaligtasan ni Baby Angelo. BUONG PUSOT KALULUHA KO PONG IPINAGKAKATIWALA ANG BUHAY AT KALIGTASAN NI ANGELO SA DARATING NA MARTES. Panginoon, Patnubayan po ninyo at balutin mo ng iyong kapangyarihan ma-guide, maisagawa ng mga doctor na mag opera sa kanya sanay patnubayan mo po na maging safe at matagumpay ang pinakamaselan, at delikadong operation ni Angelo.

“NAK, FIGHT FIGHT LANG HA. ANG DAMING NAGMAMAHAL AT NAGDARASAL sayo Andito lang si Daddy. Be strong! Mahal na mahal ka namin ni Ate mo Airah in JESUS NAME Amen. #continuesprayerforbabyangelo,” mababasa pa sa kanyang Facebook account.

Sa mga gustong magbigay ng ayuda kay Baby Angelo, Maaaring magdeposito sa BDO:Account name: Romeo C. Librada

Account number: 007920062986 na ang bank swift code ay BNORPHMM

Puwede rin sa GCash , Romeo C. Librada, 09771355040.

Leave A Reply

Your email address will not be published.