Abante Tonite Interactive

Funeral march

336

Napanaginipan ko pong ako po ay nasa bandang itaas na nakatingin sa marami­ng tao.

Iyong mga tao po na pinapanood ko ay may isang kabaong na dala na sa tingin ko ay ililibing. Pag-gising ko po ay napaluha ako. Ano po ang ibig sabihin ng aking panaginip?

Martin
Ang iyong napanaginip ay isang funeral procession o funeral march. Ang ganitong panaginip ay kadalasang kinatatakutan dahil naiisip natin ang salitang kamatayan at lagi nating kinatatakutan na posibleng ito’y isang omen o pangitain.

Abante Hiring – IT dep

Subalit dapat nating tandaan na ang panaginip tungkol sa kamatayan ay simbolo lamang ng isang pagtatapos at maaaring ng isang pagsisimula.
Ang panaginip tungkol sa isang funeral march ay kadalasang indikasyon na kailangan mong mag-move on. Maaring ikaw ay patuloy na kumakapit sa isang bahagi ng iyong nakaraan at hindi ka makabitiw.

Ang kabaong na iyong nakita ay maari­ng simbolo ng bahaging iyon ng iyong buhay na dapat mo nang bitiwan at ibaon sa hukay na tulad ng isang namatay na kailangan nang ilibing. Kung sa iyong kasalukuyang sitwasyon ay merong bahaging dapat mo nang ilibing sa limot, ikaw lamang ang tanging makakatukoy.

Related Posts

Halimbawa meron kang isang relasyon na alam mong dapat mo nang putulin. O kaya naman ay isang masamang bisyong dapat mo nang itigil. Kung may mga ganito kang alalahanin na nagpapabigat sa iyong puso, maaaring ang iyong subconscious ang nagpaalala na kailangan mo itong alisin at tuluyang tapusin.

Kadalasan ang mga funeral march ay tumutukoy sa nakaraan kaya puwedeng doon ka magsimula ng paghahanap ng tunay na kahulugan ng iyong panaginip. Puwede rin namang ang panaginip mo ay tumutukoy sa isang sitwasyon sa buhay mo na nalalapit nang magwakas.

Ang bahagi naman ng isang panaginip na nasa malayo ka lamang at nagmamasid sa mga taong nagdaraan ay maaring ring indikasyon na meron kang problema sa komunikasyon sa mga tao sa iyong pali­gid na araw-araw mong nakakasalamuha.
Anuman ito, ikaw pa rin ang makakasagot at ikaw pa rin ang makapagbibigay ng pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.