Abante Tonite Interactive

Furlough ni De Lima hindi tutulan ng DOJ

387

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila tutulan ang furlough ng nakade­tineng Senador Leila de Lima para mabisita ang may sakit niyang ina sa Iriga City,Camarines Sur dahil sa humanitarian reason.

“I will ask the prosecutors not to object for humanitarian reasons,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Una namang nagpasalamat si De Lima sa mga well-wisher na nagpakita ng kanyang suporta sa kanyang motion for furlough.

“Thank you for all the prayers. Prayers do work. My mom’s condition has improved albeit still precarious on account of her advanced age and over-all weakened state,” ayon sa tweet ni de Lima .

Nabatid na naghain ng urgent motion for furlough si De lima sa Muntinlupa Regiona­l Tria­l Court, na humihiling ng permiso na mabisita si Norma Magistrado de Lima na napaulat na nasa kritikal na kondisyon bago ang Agosto 15

Ang Branch 256 ang huma­hawak ng kaso ni De Lima may kinalaman sa iligal na droga noong siya ay kalihim pa ng DOJ.

Nabatid na ang nanay ni De Lima ay na-diagnosed na may dementia.

Si De Lima ay nakade­tine sa kasalukuyan sa Custodial Center ng Philippine Nationa­l Police (PNP) in Camp Crame, Quezon City at nahaharap sa tatlong kaso ng drugs na isinampa ng DOJ prosecutors.

Samantala, tumangging magkomento ang Palasyo sa kahilingan ni De Lima upang hindi mabigyan ng malisya at masamang interpretasyon ng mga kritiko. (Juliet de Loza-Cudia/ Aileen Taliping)