Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Furniture ni Kap, tupok

0 182

Tinupok ng apoy ang furniture na pagmamay-ari ng isang Punong Barangay sa Caloocan City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Caloocan Fire Station, naabo ang nabanggit na establisyimento sa Diamond Drive , Barangay 175, Camarin ng nasabing lungsod, bandang alas-10:00 ng gabi.

Napag-alaman na pag-aari ito ni Punong Barangay Bernardo Quiboy, ng Barangay 181, Caloocan City.

“Tumawag po sa akin yung isa kong tao at ibinalita na nasusunog daw yung furniture,” ani Quiboy.

Pagdating ng village chief sa lugar, nakita niya na naglalagablab na ang paligid at nasira din ang bahay na katabi ng kanyang furniture matapos mag-akyatan ang mga residente sa bubong at doon dumaan para lumikas.

Inaalam na arson investigator kung ano ang pinagmulan ng sunog , saan aabot sa mahigit P500,000 ang natupok.

Wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing sunog. (Orlan Linde/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.