Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Future Gilas star Sage inalok ng KU

0 283

Bukod kay Kai Sotto, isa pang 7-footer ang dapat abangan sa Gilas Pilipinas.

Siya’y ang Fil-Hawaiian big man na si Sage Tolentino, na may offer mula sa United States NCAA Division I school, Kansas University.

“Blessed to receive an offer from Kansas. Thanks to Coach (Bill) Self and Coach (Kurtis) Townsend for believing in me. All glory to God! #jayhawks #dreams #blessed,” ayon kay Tolentino sa Instagram post.

Si Tolentino, 16, ang top center ng Maryknoll Spartans sa Hawaii, kung saan binida niya sa back-to-back title sa HHSSA.

Ang Kansas Bluejays naman ay naging bahay ng ilang top player ng NBA tulad nina Andrew Wiggins, Kelly Oubre Jr. at Joel Embiid. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.