Abante Tonite Interactive

FVR tinapos na ang papel sa China

85

Nilinaw ni dating Pa­ngulong Fidel V. Ramos, itinalagang special envoy to China ng Duterte administration, na nagawa na niya ang kanyang tungkulin para mapalamig ang tensyong namamagitan sa Pilipinas at China kaya tapos na ang kanyang papel.

“I’ve done my job to… break the ice and to help restore the ties of goodwill and friendship,” pahayag ng dating Pa­ngulo sa panayam ng isang online news kahapon.

“The moment the President came back from China from a successful state visit I resigned as special envoy to China because the officials have taken over,” dagdag nito.

Abante Hiring – IT dep

Si FVR ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy sa China noong Hulyo para ayusin ang nalamatang relasyon ng Pilipinas at China dahil sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Sa kabila ng pagbibitiw ay sinabi ni Ramos na ikinukunsidera pa rin niya ang kanyang sarili bilang bahagi ng Duterte team.

“…but whether they like it or not. ..I am free to give friendly advice and that is part of our democratic culture,” ayon pa kay Ramos.

Matatandaang isa si Ramos sa sinasabi ni Pa­ngulong Duterte na na­ngumbinsi sa kanyang tumakbong Pangulo noong nakaraang halalan.