Abante Tonite
Mabilis sa Balita

G-cash scammer timbog

0 52

Arestado ang isang suspek na nambubudol sa online cash transfer matapos mambiktima sa Calamba, Laguna.

Kinilala ng Laguna PNP ang suspek na si Edmon Catubigan, 43, ng Muntinlupa City. Pinaghahanap naman ang isa pang alyas Vergie.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa Calamba police, naganap ang insidente alas-tres ng hapon sa isang Gcash outlet sa Barangay Canlubang kung saan nabudol ng mga suspek ng P48K ang isang babae.

Modus ng mga suspek na humingi ng tulong sa kanilang biktima at magkunwaring magpapatulong kung paano mag-transfer ng pera sa GCash. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.