Abante Tonite Interactive

G-Dragon binigyan ng special treatment sa military

By
5,637

Kahit na nasa loob ng military, laman pa rin ng balita ang leader ng South Korean boy band na BIGBANG na si G-Dragon. Ang unang balita rito, naging isyu sa pagitan ng Dispatch news na naglabas ang ba­litang nang ma-hospital si G-Dragon ay binigyan daw ito ng special treatment, kabilang na sa isang “suite” ito nag-stay.

Ang naturang suite room daw ay hindi basta-basta pinapagamit kahit sa ilang may posisyon na sa military, pero ‘yun nga, si G-Dragon ay nakagamit.

Mabilis naman itong itinanggi ng YG Entertainment, ang agency ng BIGBANG at gayundin ng infantry division na kinabibilangan ni G-Dragon.

Ayon sa representative ng YG Entertainment, “There was no special treatment, there is no room for colonels at the hospital, and he was hospitalised following the normal procedure.

“Since before his enlistment, G-Dragon expressed pain due to a dislocated shoulder and sprained his ankle constantly during the world tour, and his condition worsened further du­ring military training.”

Ayon pa sa agency ni G-Dragon, sa lumabas daw kasing resulta ng medical examination nito, may nakitang serious conditions tulad ng ang bone fragments niya ay nagi­ging dahilan ng pagkasira ng kanyang ligaments at muscles na nagiging sanhi rin ng infection.

“We are aware that he was recommended a large university hospital rather than the military hospital and went for a surgery,” sabi pa ng YG representative.

Pero pinaninindigan naman ng Dispatch ang kanilang nilabas at may ebidensiya raw sila na special treatment daw talaga ang ibinigay sa leader ng BIGBANG at ang kuwartong ginamit nito ay may air-conditioning, ref at TV, mga pribilehiyong pang higher ranking soldier lang talaga.

Hinamon pa ng mga ito na maglabas ang YG ng kompletong medical reports ni G Dragon kabilang ang room niya para raw magkaalaman kung ano talaga ang totoo.

Sa ngayon, naka-hang pa ang isyung ito. Isa sa iniiwasan talaga once na nasa military ang kahit sinong celebrity ay ang tumanggap ang mga ito ng kahit anong special treatment sa loob.