Abante Tonite
Mabilis sa Balita

G-Dragon, Jennie ‘mag-dyowa’ na

0 177

Pasabog sa K-Pop world ang expose na ginawa ng Dispatch.Heto’t may bago silang scoop.

Sa loob daw ng isang taon, nasubaybayan at may mga supporting evidence ang Dispatch na “dating” ang miyembro ng pioneer boy group na BIGBANG na si G-Dragon at Blackpink Jennie .

Parehong mga talents ng YG Entertainment ang dalawa.

Sa report ng Dispatch, may isang taon na nga raw na nagkikita at nagdi-date ang dalawa nang patago. Madalas daw ay sa kanya-kanyang bahay nagtatagpo ang dalawa, lalo na sa tinitirhan ni G-Dragon.

In fact, sa penthouse ni G-Dragon, may sarili itong personal parking lot at private elevator na nagagamit daw ni Jennie. Dun na siya dumidiretso at hindi na kailangan pang i-verify ang kanyang identity.

At gaano man ka-busy si Jennie sa mga activities nila ng Blackpink, basta raw naging free na ito sa bawat araw, normal na routine na raw nito na bibisita sa bahay ni G-Dragon.

Ang relasyon umano ng dalawa ay tila open-secret na sa buong YG Entertainment. May time pa raw na ang manager na ni Jennie ang nagdadala sa kanya kay G-Dragon .Minsan naman, ang manager ng Bigbang member.

Aware rin daw ang nanay ni Jennie sa relasyon ng dalawa. At diumano’y boto naman ito kay G-Dragon. Masaya pa nga raw na alam niyang may nag-aalaga sa kanyang anak.

Nang magkaroon din ng online concert ang Blackpink na “The Show,” nasundan at spotted daw ng Dispatch ang sasakyan ni Jennie sa place ni G-Dragon. At during the show naman, ang sasakyan naman ni G-Dragon ang nakita sa venue.

Sa lahat ng ito, nananatiling tikom naman ang bibig ng mga taga-YG Entertainment.

Ayon sa mga ito, “We can not confirm anything about our artists’ personal lives. We ask for your understanding.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.