Abante Tonite Interactive

G Dragon ng Bigbang most followed Korean sa IG

18

SA pagiging into social media na ng halos karamihan, mapa-celebrities o simpleng individual man, meron pa rin mga artista lalo na sa Korea ang mas pini­piling hindi makasama sa bandwagon.

Yung wala pa rin mga account sa iba’t-ibang social networking sites kabilang na ang Instagram, Twitter, Facebook.

Pero sa Korean stars na masipag at mahilig mag-post lalo na sa Instagram, naglabas ang Koreaboo ng Top 10 Male Korean Celebrities who have the most followers on Instagram.

Abante Hiring – IT dep

Halos karamihan sa mga ito ay mga KPop Idols at miyembro ng iba’t ibang Kpop groups.

Karamihan sa mga ito ay mga miyembro ng BIGBANG at EXO. Dalawa sa mga bagong sikat na Kdrama actors ang nakapasok sa Top 10.

Si G Dragon ng Bigbang na tinaguriang King of K-pop ang number one most followed male celebrity in Korea with 15 million followers.

Marami ng awards, recognition at achievements si G Dragon na ang totoong pangalan ay Kwon Ji-yong. Hindi biro ang 15 million followers na meron siya sa Instagram.

Narito ang Top 10 Male Korean Celebrities who have the most followers on IG.

1. BIGBANG’s G Dragon (xxxibgdrgn) – 15 million
2. EXO’s Chanyeol (real_pcy) – 12.6 million
3. EXO’s Sehun (oohsehun) – 11.4 million
4. EXO’s Baekhyun (baekhyunee_exo) – 11.1 million
5. Lee Jong Suk (jongsuk0206) – 10.9 million
6. Nam Joo Hyuk (skawngur) – 8.7 million
7. BIGBANGS’s T.O.P.  (choi_seung_hyu_tttop) – 8.3 million
8. BIGBANG’s Taeyang (_youngbae_ ) – 8.1 million
9.  GOT7’s Jackson (jacksonwang852g7) – 7.68 million
10. EXO’s Lay (zyxzjs) – 7.47 million. (Rose Garcia)