Abante Tonite
Mabilis sa Balita

G-Dragon pumalag sa Asian hate crime

0 272

Marami na ang naaalarma at talagang nagiging malaking issue na ang “Asian hate crime.” Ilang video at picture na rin ang naisi-share sa social media. Lantaran na ang pagdi-discriminate at pamamahiya sa ilang Asians sa ibang bansa.

At tila mas lalo pa itong lumaganap sa pagkakaroon ng COVID-19.

Ilan na rin sa mga celebrities sa South Korea ang ginagamit ang kanilang boses. Ipinapakita nila ang disgusto at pagkaalarma sa nangyayari.

Ang isa sa miyembro ng BIGBANG na si G-Dragon na kilala rin naman sa pagiging open sa ilang social issues ay naglabas din ng kanyang saloobin .

Sa naging interview niya sa Dazed Magazine, sinabi ni G-Dragon na, “There’s also a message about Asian hate these days also have a lot of thoughts I was born and raised from Korea. None of my west friends had anything like this. I don’t know why it turned out this way but I feel too bad. It’s a pity that you hate someone”

SM food to go Banner Ad

Pinuri rin si G-Dragon sa napili niyang location shoot sa naging pictorial niya sa magazine. Napansin ng mga netizen na ang mga lugar ay mga LGBTQ+ areas.

Isa rin kasi si G-Dragon sa supporter ng mga LGBTQ+ at isa sa very open na hindi dapat i-discriminate ang mga miyembro nito.

Bilang suporta, pinakita niya ang pinagawang tattoo sa kilalang American artist na si Keith Haring, isang design na nagsi-symbolize sa opposition to homophobia, nuclear warfare at racicm.

Bukod dito, nag-post din siya noon ng picture na may caption na “Rainbow_lasts_4ever” bilang suporta sa kanyang mga tagahanga na nagme-message rito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.