Abante Tonite Interactive

G Dragon tinangging may show sa China

280

Itinanggi ng YG Entertainment na pupunta ng China si G Dragon at meron itong series of show sa naturang bansa. Si G Dragon ang leader ng grupong BIGBANG at kaka-discharge lang nito sa mandatory military service noong October 2019.

So, given na talagang sabik, lalo na ang napakaraming tagahanga ni G Dragon at ng grupo nila na muli siyang mapanood na mag-perform nang live. Posibleng marami ang mai-scam hindi lang mga fan sa China kung hindi maging sa ibang bansa na posibleng bumili ng tickets para mapanood siya.

Kumakalat na raw kasi na may balitang magtu-tour sa China si G Dragon. May Chinese ticket reservation site na rin na may false notice tungkol dito. Kaya naman may mga nagpapa-advance reservation na.

Mabilis naman umaksiyon ang YG Entertainment. Nagbigay sila agad ng warning sa mga fan na hindi ito totoo. Pinag-iingat din na baka ma-scam sila.

Narito ang official statement ng YG Entertainment:

“We wish to take this moment to bring attention to recent rumors about G-Dragon touring in China.

“Recently, Chinese ticket reservation sites and personal messages on WeChat have posted false notices that G-Dragon will be holding a tour in China. We have confirmed that some have even begun to open reservations and pre-registrations.

The information about the tour in China that is being promoted is completely untrue.

“All official concert and tour information is only available on YG Entertainment’s official website. We ask fans to be wary of any concert that is not listed on YG’s official website.

“We hope that none of the many fans who love G-Dragon will suffer from fraud as a result of these false notices. Thank you.”

Sa ngayon, mas pinagkakaabalahan ni G Dragon ang paghahanda para sa magiging performance sa Coachella sa April 2020.