Abante Tonite Interactive

Gaa niluklok ni Pope Francis sa Novaliches diocese

284

Tinanggap na ni Pope Francis ang pagbibitiw ng 77-anyos na si Novaliches Bishop Antonio Tobias at itinalaga si Rev. Fr. Roberto Gaa bilang bagong pinuno ng diocese.

Isinapubliko ang pagkakatalaga kay Gaa sa Roma noong Huwebes ng alas-12:00 nang tanghali o alas-sais nang gabi sa Pilipinas.

Si Gaa, 57-anyos, ang ikatlong obispo ng diocese ng Novaliches na may higit dalawang milyong Katoliko mula sa 69 na parokya.

Sakop ng diocese ng Novaliches ang bahagi ng Quezon City at North Caloocan.
Kasalukuyang naninilbihan si Gaa bilang rector ng Holy Apostle Seminary sa Makati City.

Samantala, nanilbilhan namang obispo ng Novaliches si Tobias simula noong 2003.

Sa ilalim ng Canon Law, dapat magsumite ng kanyang pagbibitiw ang isang obispo kapag sumapit na ito sa edad na 75. (Mia Billones)