Abante Tonite Interactive

Gab Banal nag-apoy, Go for Gold kampeon

By ,
676

Umariba ang Go for Gold Scratchers at tulu­yang sinelyuhan ang kampeonato sa Game 5 ng PBA Developmental League Foundation Cup kontra Che’Lu Bar and Grill Re­vellers 102-92, Huwebes nang gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

 

Sa panayam kay Scratchers head coach Charles Tiu, inamin nito na sa tingin niya ay sila ang pinakama­lakas na tropa sa buong ­conference.

 

“Kayo ‘yung mga kilala nang mga fan, but if you don’t play like it because you’re playing a team that has been together for so long. I really appreciate the fact that they give it all today,” saad ni Tiu.

 

Pinuri din nito ang magandang laro na pinakita ni Gab Banal na tumapos ng 31 puntos, anim na rebounds at apat na assists, at nagbiro pa kung bakit hindi ito ang tinanghal na conference MVP.

 

“Gab was just outstanding in the first half, one the best game I’ve ever seen him playing. If I’m not mistaken Gab (Banal) was shooting close to 60 percent, paano ‘pag naubusan ‘yan this game,” sabi nito.