Abante Tonite
Mabilis sa Balita

GAB chairman may lilinawin sa pro sports

0 237

Espesyal na panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast edition ngayong Martes si Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra.

Tatalakayin niya ang ilang issue kaugnay sa resumption ng professional sports sa bansa, na mauudlot dahil sa anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa sa pagbabalik sa National Capital Region sa mas mahigpit na moderate enhance community quarantine (MECQ) buhat sa mas maluwag na general community quarantine.

Mapapanood ang public sports program live via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

Ang sports forum ay mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), Smart at Upstream Media. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.