Abante Tonite Interactive

Gaballo dinispatda ang Japanese via 2nd round

By
0 157

Hindi nakaporma si Yuya Nakamura ng Japan sa bangis ng mga upak ng Pinoy slugger na si Reymart Gaballo sa kanilang 10-round match sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City Sabado ng gabi.

Sa first round, dalawang beses napabagsak ng bagitong si Gaballo ang katunggaling dayo dahil sa matitinding sapak sa ulo at mid-section ng huli.

Pagpasok ng se­cond round, determinado nang tapusin ng 22-anyos na Pinoy ang boksing, kumonekta ng kanan sa panga ni Nakamura, kaagad namang sinundan ng left hook sa bandang atay dahilan para bumagsak ito sa ikatlong beses.

Nakatayo pa si Nakamura ngunit ipinatigil na ng referee na si Virgilio Garcia ang laban, 1:44 ang nala­labi sa round two, para mapaangat ang win-loss record sa 21-0, 18 knockouts ng Pinoy.

Sa magandang performance, napatibay ng World Boxing Association Interim champion na si Gaballo ang puwesto bilang mandatory challenger isa man kina kapwa Pinoy WBA super champion Nonito Donaire o WBA (regular) bantamweight titlist Naoya Inoue ng Japan.