Abante Tonite Interactive

Gabay sa pagpapalaki ng bata

550

Kung tutuusin, walang mali at tamang gabay sa pagpapalaki sa mga bata dahil iba-iba sila ng ugali.

Pero kung ang magulang ay may magandang estilo sa paggabay sa bata, asahang nagiging mabuti kang magulang sa kanila.

Walk the talk. Lumalaki ang batang pinaparisan ang galaw niya ayon sa galaw ng kanyang mga magulang.

Abante Hiring – IT dep

Dito malalaman kung anong klaseng magulang mayroon ang isang bata kaya maging maingat lagi sa kilos  malapit o malayo man sa mga anak.

Parent-free. Kahit pa musmos ang bata, dapat matutunan niyang minsan ay kailangang malayo siya sa kanyang mga magulang.

Dito papasok ang pagiging independent ng mga bata. Dapat magkaroon ito ng freedom sa kanyang gagawin kahit pa bata pa.

Alone time. Bawat bata dapat ay natututukan. Dapat makilala ang bata sa “alone time” kunsaan wala muna si ate o si kuya.

Kilalanin ang anak. Magugulat ka kung anong ugali, kung anong nagpapasaya o nagpapagana sa kanyang emosyon at ma­laman mo ang concerns ng bata.

Monitor ­media. Sa computer age, kaila­ngang mabantayan ang bata. TV, compu­ter o iba pa, hindi lahat nito ay kid-friendly ang topic na ipinakikita.

Subaybayan ang anak sa ganitong pagkakataon.