Abante Tonite Interactive

Gabbi, career muna bago LUMANDI

111

MAG-E-18 years old na ang Sang’gre ng ­Encantadia na si ­Gabbi Garcia.

Ang isa sa ikina-­excite niya ay puwede na siyang magtrabaho na kukuha pa ng permit sa DOLE.

Makakapanood na rin siya ng mga pelikulang R-18 pero may chaperone o kasama ang pamilya.

Walang boyfriend na ka-date.
Sabi ni Gabbi, kahit 18 na siya, susunod pa rin siya sa kagustuhan ng mga magulang niya.
Wala raw mababago dahil wala siyang ­balak pang makipag-boyfriend.

“Bata pa rin po kasi ang 18, eh. Sayang po ‘yung work eh. Ang daming pumapasok na ­projects,” pakli ni Gabbi.

Si Ruru Madrid pa rin ang lalaking close sa kanya, kaya okay na munang nagkakasundo sila at madalas silang magkasama sa trabaho.

“At least, kasama ko naman si Ruru sa loob ng 2½ years na magkatrabaho kami, naging masaya naman kami. So, enough muna ‘yun.”

Wala siyang balak na tumanggap ng mga manliligaw dahil gusto muna niyang mag-focus sa trabaho at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“Nirerespeto ko po ‘yung parents ko kung ano ‘yung gusto nila for me.

“Kung ano ‘yung rules nila, kung ano ‘yung dapat kong gawin, mga do’s and don’ts ko. Bahala na po sila.

“Hindi ko po pakikialaman kung ano ‘yung gusto nila for me. Susunod na lang po ako,” sabi pa ni Gabbi.

Matagal nang panga­rap ni Gabbi na magkaroon ng debut, kaya pinag-ipunan niya ito.

“Pangarap ko siya talaga na having a debut itself na talagang iyun ang pinaghirapan ko perso­nally ‘yung mismong debut.

“Du’n mo makikita na ito na pala ang nagaga ko sa 18 years ko, kaya ko na palang magpa-debut,” pahayag pa ng Kapuso young actress.

Sa December 6 ang debut niya sa M­arriot Hotel na inaasa­hang dadaluhan ng mga katrabaho at close friends niya sa Kapuso network.