Gabbi ‘pakakasal’ na

NI: ROLDAN CASTRO
‘Magpapakasal’ ang isa sa hula ng mga netizen sa post ni Gabbi Garcia sa kanyang Instagram account.
Ang caption niya,” I’m so excited to share with you some GOOD news that I’ve been keeping for a long time??? Something GOOD is coming your way this 2020!! ✨
“Stay tuned and watch out!! This is going to be excitingly GOOD ??
“any guesses? .”
Reaction ng mga netizen
@sophia_alba10, “ANIVERSARY NYO NI KUYA KHALIL?? EXITING.”

@rycaguerrero07, “You and Khalil are having your first project together,soon…..”
@ennannclaro_,”Susunod mong role is isa kang Angel?”
@mynnisc, “Buntis?”
@_darsss, “You’re getting married? Jk love you hehe .”
Mukhang malabo pa ‘yung pakakasal si Gabbi at lalo na ‘yung buntis . Mas masasabing excited siya sa bago niyang show na “In Real Life (IRL)” na mapapanood sa GMA News TV.
Isang youth-oriented reality program na maghahatid si Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na ika nga ay “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age.
Bagay na bagay kay Gabbi ang naturang show dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence.