Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabbi proud morena

0 128

NI: ROLDAN CASTRO

Curious ang mga fan sa beauty regimen ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia. Palagi raw itong fresh on and off camera.!

Pero ibinuking niya sa kanyang vlog kung ano ang ginagawa niya bago sumabak sa live streaming ng ‘All-Out Sundays’ tuwing Linggo.

Isa sa preparasyon ng Kapuso star ang paggamit ng hair treatment the night before ng kanilang live para sa AOS. Isang oras bago naman ang livestream, isang simpleng skincare at makeup routine lang ang ginagawa niya.

Aniya, “Usually my makeup for AOS is super simple since we’re on Zoom. Parang walang makeup.”

Sa vlog naman ni BJ Pascual naibahagi niya na nakaramdam siya ng insecurity nu’ng bata pa siya. Ito’y dahil morena siya. Cute kid siya pero madalas ay hindi umano nakukuha sa commercial dahil may lahi ang napipili sa final callbacks.

Feeling niya raw that time ay walang spot ang mga kagaya niya na Pinay beauty.

Pero nagkaroon daw siya ng tiwala sa sarili nang pasukin niya ang showbiz lalo’t maraming morena na artista.
Aniya, “Kasi nung high school ako, parang, I didn’t care that much about skin color. Parang, wala lang siya sa akin. Tapos nung pumasok ako sa industry, doon ko talaga na-figure out na in the industry, maraming mga sabi-sabi, or people who are gonna say na ‘Alam mo kailangan mo magpaputi para makakuha ka ng ganito’ or ‘Kailangan mas okey kapag maputi ka.’”

Pero dahil dito, mas natutunan niyang mahalin ang sarili niya, “Doon ko na-realize the importance of loving yourself and your skin color, na hindi ka magpapa-sway sa ibang tao.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.