Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabbi, Sanya kinabog si Bea

0 720

ROMMEL PLACENTE: Maraming mga artista na kahit anong gawing buid-up ng kani-kanilang manager, o ng kanilang home network, ay wala pa ring nangyayari sa kanilang career. Tulad sa kaso ni Kris Bernal,in fairness,masasabi kong talented siya mga ka-Cuatros. Hindi lang siya mahusay umarte,magaling ding sumayaw at nakakakanta rin naman.Ilang beses na siyang binigyan ng pinagbidahang serye ng GMA 7 gaya ng Impostora,Little Nanay,Asawa Ko Karibal Ko at iba pa,pero hindi pa rin umalagwa ang kanyang career.Kilala naman siya ng publiko, pero hindi siya sumisikat.Hindi tulad ng dati niyang ka-loveteam na si Aljur Abrenica na kahit paano ay sumikat,’di ba? Ano nga ba ang kulang kay Kris? Sa totoo lang,nanghihinayang ako sa talent niya.

RODEL FERNANDO: Sa panahon ngayon na TV pa rin ang namamayagpag ay dapat maingat ang mga artista lalo na sa kanilang pinagtatrabauhang network. Kapag kasi nagpasaway ka at may attitude problem ay siguradong maliligwak ka. Puwede rin na kapag hindi ka na bankable at popular ay hinahayaan ka na lang umalis at hindi ka na hahabulin. Maraming mga artista ang hindi na hinahabol ng istasyon nang magtapos ang kontrata. Parang ang drama ay goodbye na lang at wala nang habulan. Katulad na lang noon ng kaso ni Bayani Agbayani na in fairness ay namayagpag sa bakuran ng Kapamilya Network. Maraming succesful shows, movies at recording pero nung nanamlay ang career at nagdesisyong lumipat sa ibang network ay hindi na siya hinabol. Ganito rin yung kay Pokwang na noong magtapos ang kontrata niya at nag-ibang bahay ay deadma na ang dating network.

Pero puwede rin namang unawain na ang dati niyang pinaglilingkuran ay tinanggalan ng prangkisa kasabay ng pagtatapos ng kontrata niya.

At ngayon naman ay napapabalitang lalayas na rin si Sunshine Dizon sa GMA 7 pero walang balita na hahabulin siya. Pagkatapos ng halos tatlong dekada niya bilang talent ng Kapuso ay bakit nagkaganun?. Ano kaya ang nangyari at bakit hindi na nirenew ang kontrata niya?

MILDRED BACUD :Tinitimbang talaga ng network kung may pakinabang pa ang isang artista sa kanila. Although hindi naman lahat ng desisyon nila na i-let go ang artist nila ay tama. Marami rin kasing mga artista na pinakawalan ng network pero nung lumipat sa iba ay mas bumongga ang career.
Sadyang may mga artista lang din talaga na kahit ano ng ibigay ng management na proyekto ay hindi umaangat.Tulad na lamang ni Bea Binene. Matagal na rin siya sa Kapuso pero naungusan pa siya nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at iba pang kasabayan niya.

Ganoon din si Kristoffer Martin na na nabigyan naman ng lead roles pero nanamlay din ang career. Si McCoy de Leon, hindi na rin ni-renew kaya napunta na sa Viva. Hindi naman puwedeng idahilan na nag-shutdown kasi may mga artistang ni-renew pa rin ng ABS-CBN.

ROLDAN CASTRO: Basta ang masasabi ko mga Ka-Cuatros nasa network pa rin nakasasalalay ang career ng mga TV star. Tingnan mo na lang si Kris Aquino. Magaling na host, sikat pero nu’ng hindi bigyan ng network contract ng Dos, hindi na nagkaroon ng regular TV show. Kung hindi kami nagkakamali tumanggi umano noon si Kris sa offer na per show na kontrata .
Pero ‘yun na talaga ang uso ngayon. Bihira na ang binibigyan ng network contract.

Palaisipan din na hindi ni-renew ang kontrata ni Janine Gutierrez sa Kapuso network. Magaling naman siyang artista at may ibubuga pa. May kinalaman kaya sa pag-atake niya sa kapwa-Kapuso sa social media?

Ang realization namin, hindi na uso ang pa-star sa network. Puwede ka nilang hindi na habulin pag tapos na ang kontrata mo. Pag nag-inarte ka o nagkaroon ng attitude babu na ang beauty mo.

Mukhang tapos na rin ‘yung pagde-demand ng mataas na TF ng mga artista lalo na’t nawala ang ABS-CBN. Hindi ka na puwedeng manakot o magmalaki na may lilipatan ka.

Kaya, kung gusto mong may career sa TV ngayon, behave!

‘Yun lang naman!

Leave A Reply

Your email address will not be published.