Abante Tonite Interactive

Gabby binura ang nakaraan nila ni Sharon

0 1,608

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioBago ang panayam kay Gabby Concepcion sa Man and Wife set visit, si Sharon Cuneta, ang mega mother ng kanilang mega daughter KC Concepcion, nagngangal­ngal sa Gandang Gabi Vice (GGV).

Sa nasabing episode, tungkol sa mga nakalipas na ‘di na maaring balikan ni Cuneta ang topic of the night. Siyempre pa, kasama si Gabby sa equation. As expected ang Ate Shawie, naging emosyonal at ang aria nito, “Akala ko okay na tayo?” with matching handog na awit na Dapat Ka Bang Mahalin? Na theme song of the movie with the same title na pinagsamahan nila.

Si Concepcion, na forever young talaga, ang adhikain naman sa buhay, na walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin sa Cineko Productions set visit, ayaw na niyang balikan pa ang nakaraan, moving forward and living in the now na siya, at ang kanyang high flying at adorned career, ang kasaysayan nito, gusto niya magsimula sa 2008!

Ang nasabing taon ang kanyang comeback year sa local showbiz matapos lumipad pa-Amerika. Alam naman nating lahat na lowest of the low ang nangyari sa kanyang karera matapos ang infamous teyk it, teyk it 1994 MMFF Awards Night Pasabog.

Basta anything and every thing before 2008, ayaw niyang balikan, sariwain, pag-usapin at mas lalong hindi puwedeng uriratin. Ang daming gustong kalimutan ni Concepcion, huh!

Ang mga ina of his beautiful daughters, papatol kaya sila sa pahayag na ito ni Gabby?

Ang mga half sisters na sina Kristina Cassandra, Garie at Chloe, mauunawaan kaya nila ang kanilang biological dad?

Sa mga naging past wives ni Gabby, kay Cuneta ang pinaka-chronicles na episode kaya ‘pag nalaman kaya ni Sharon ang ganitong pahayag, papatol kaya siya rito?

May malaking-malaking chance, huh! Alam naman nating lahat ang dating Madam Chairman eh certified Patola Queen at ngayon pang may anniversary concert siya, imposibleng wala siyang major, major hanash sa paandar ni Gabriel.

Cuneta’s personal and showbiz life will not be complete without Concepcion kaya kahit pa pulos pasensya at pang-unawa ang hiling niya, parang hindi agaran ang pagtanggap sa gusto niyang mangyari na born again siya at kanyang karera noong 2008.

Sa Man and Wife, kasama at first time leading niya si Jodi Sta. Maria na para kay Concepcion ay masayang kasama, walang hindi pagkakasundo kasi nga magaan.

Magaan? Aray ko! Do I smell a parunggit here? Ang paliwang ni Gabo, nag-lose weight kasi si Sta. Maria kaya magaan.

Naku ha! Naku ha na lang ang puwede kong reaksyon noh!

Debbie Gibson parang transwoman na tuyot

Well attended ang flashback at throwback concert nina Tiffany at Debbie Gibson na nitong Lingggo lang naganap sa MoA Arena. Sa true lang, matapos kong mapanood ang performance nilang dalawa, my heart and support ay na kay Tiffany na.

Sa concert, maliban sa signature pop tunes na nagpasikat sa kanya noong dekada otsenta, may mga bago siyang kanta na super pop rock ang arrangement, bagay sa kanyang husky and raspy voice, deeply personal songs na galing sa kanyang digital album na Pieces of Me.

Puwede mo siyang pagkamalang kamag-anak ni Teresa Loyzaga o batang Pilar Pilapil na may all woman vibe of a rockin and rolling Pilita Corrales.

Curvey siya at age appropriate ang all black ensemble, sequined top and faux leather leggings,
And her voice, distinctively rich at tama ang mga emotions na binibigay niya sa kanta lalo na nu’ng mga mellow hits na niya ang kanyang ibinigay sa audience, ang Could Have Been, All This Time, It’s The Lover at iba pa. Now, you can feel na as she sang, alam na niya ang kuwento behind the lyrics of each song, and each rendition was heart felt, moving, alam mong this woman has been scarred, scared but continue to survive and live and love life to the fullest.

Iba ang kanyang pinakitang confidence. She had fun, her spiels natural and sponta­neous, giving thanks that felt sincere.

And she knew how to end her segment, with a big bang, of course, she concluded by singing the one song that changed her life forever, an edgier, mas power pop rock version ng I Think We’re Alone Now! Mahusay si Tiyang Tiffany!

Kung gaano ka-pleasant ang naunang performer, si Debbie Gibson was a total let down. Sa itsura, para siyang Barbie Doll na tumanda, o kaya transwoman na tuyot na tuyot dahil sobrang skinny niya.

Ang saving grace of her looks, ang kanyang platinum blond hair na reminiscent of Farrah Fawcett’s iconic soft kabogerang hairdo.

Eh kamusta naman ang boses? Pakiwari ko talaga siya ang American version ni Pops Fernandez with a little add on of Jaya. Hahahaha!

Juice colored! Sa lahat ng mga kinanta niya, dasal ko talaga na please, ilabas niyo na ang gong at i-gong na natin si Inday Debbie.

Siyempre pa, super polite ang Arena crowd na kahit na nga Miss Sintunado ang hitad at tunog lata, applause pa rin ang iniisip na lang, siya pa rin ang Debbie Gibson na minsan ay minahal naming lahat.

Umasa pa naman ako na super kabogera ang kanyang Electric Youth rendition, siyempre kahit hindi, sing and dance pa rin ang diva that you love kasama ang aking maricon friends.

At walang takot ang Inday Debbie. May I sing a song pa with Tiyang Tiffany! Don’t Stop Believing pa talaga. Ayon, eat your dust siya tuloy. Hahahaha.

Sa true lang, enjoy pa rin ang segment ni Inday Debbie dahil nga sa mga ginagawa niyang hindi mo na lang talaga mapipigilang mag-laugh out loud!