Abante Tonite Interactive

Gabby bumoga kay Sharon

3,297

 

tonite-imo-vinia-vivar

May cryptic post si Gabby Concepcion sa kanyang Instagram story na quotation from Oprah Winfrey.

“You are responsible for your life. You can’t keep blaming somebody else for your dysfunction. Life is really about moving on. Oprah Winfrey,” ang nakasaad sa quote card na ipinost ni Gabo.

Eh siyempre, dahil may word na ‘moving on’ naikonek na naman ito sa ex-wife niyang si Sharon Cuneta na nag-rant nga lang lately tungkol sa moving on.

Sa nabasa naming thread sa isang online site ay marami ang naghihinala na patama raw yata kay Shawie ang post.

“Ano to para Kay Shawie? Sana di na lang nagcryptic post,” komento ng isang netizen.

“Gabo-Boga talaga! Minsan lang pumutok sapul pa!” pahayag naman ng isa.

May mga nagtatanggol naman na hindi raw marahil para kay Sharon ang post.

“Huwag po tayong mag-assume na para kay Tita Shawie ang post ni Gabby. I think the post is a good reminder for everyone including myself, to take res­ponsibility for our actions and choices,” reaksyon naman ng isa.

“Gabby tumigil ka jan sa parinig mo! Sanay na ako kay Sharon, pero sayo hindi bagay!” pagpuna naman ng isang netizen kay Gabby.

Kaaliw naman ang komento ng isa na “Di na sila matapos tapos sa parinigan. Teenagers ang peg.”

Hanggang later, sila-silang mga fan ang nag-away-away na sa thread sa pagtatanggol sa kani-kanilang idolo.
Well, iba pa rin talaga ang Sharon-Gabby! ‘Yun lang ang masasabi namin.
***

Nathalie magpapa-sexy pa rin

Aminado si Nathalie Hart na hindi na siya pwedeng magpatodo-sexy kapag ka­sal na siya. Puwede pa rin naman daw ang mga sexy scene pero hindi na raw katulad ng ginawa niya sa pelikulang ‘Sin Island’.

Napanood daw kasi ng boyfriend ang Sin Island at na-shock daw talaga ito.

Pero hindi raw siya titigil sa showbiz lalo pa nga’t 9 movie pa ang k­ailangan niyang gawin in a span of 5 years (2 movies a year).

Kaya pagkapanganak daw niya ay hindi na muna siya magbubuntis ulit at after 5 years na ulit.

Paano kung mabuntis ulit siya nang hindi sinasadya?

“‘Yun nga sabi niya, excited na raw siya na magbuo ng apat. My God! Ayoko po,” sabi ni Nathalie.

Sa ngayon ay matatapos na niyang i-shoot ang remake ng ‘Patayin sa Sindak si Barbara’ kung saan ay gumaganap siyang Barbara at natapos na niya ang ‘The Bitch Wedding’ (Abay Babes) with Cristine Reyes.

Sa December ikakasal si Nathalie sa Australia sa kanyang Indian fiancée na si Mayank Sharma. She’s expecting their first baby girl na papangalanan nilang Penelope.

***
Usap-usapan ang IG post ni Kris Aquin­o ng larawan ng eksena niya sa Hollywood film na ‘Crazy Rich Asians’ na base sa hit novel ni Kevin Kwan.

Sa still photo ay makikitang si Kris wearin­g a yellow Michel Cinco gown with Cons­tance Wu na gumaganapa na Rachel Chu.

Bagama’t wala pa siyang ibinigay na de­talye kung ano ang role niya, aniya, ay “pivotal” naman daw ang kanyang scene.

“Ito na po: Here’s an exclusive first-look of my scene with @constancewuin the movie @crazyrichasians… My gown was created by our very own @michael5inco.

“Please watch for this PIVOTAL scene when the movie opens in Philippine cinemas on A­ugust 22, 2018. (picture courtesy of @wbpictures Head Office),” ang caption ni Kris.

Wish daw niya na sana ay bigyan siya ng medical clearance na makadalo sa red carpet walk sa Holywood on August 7.

“P.S. please pray w/ me that i get my medical clearance so i can proudly represent the during the red carpet walk in the Hollywood premiere on Tuesday, August 7?

“Extending my deepest gratitude to @ke­vinkwanbooks for recommending me to play this once in a lifetime role.#lovelovelove,” pagtatapos ng caption ni Kris.