Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabby dedma kay Sharon

0 561

Nag-post si Sharon Cuneta ng picture nila ng ex-husband na si Gabby Concepcion at anak na si KC Concepcion.

May caption itong : “This girl is the very best ‘thing’ we ever did together. @itskcconcepcion Right, Papi? @concepciongabby #oncewewereafamily.”

Na-excite naman ang isang faney na nagngangalang lheaguevarra at nagkomento ito sa naging post ng megastar.

Sey ni lheaguevarra: “Sana magka-movie ulit kayo ni Gabby!”

Deretsahan naman itong sinagot ni Shawie na :@lheaguevarra, siya lang hinihintay naming lahat!”

Nagbigay rin ng komento ang isang shagabbig sa family picture nila kung saan naka-tag pa ang tatlo.

Hirit niya: Omgggg. “Happy family@reallysharoncuneta, @concepciongabby and @itskcconcepcon.”

Sumagot naman si Sharon na :”@shagabbig, family only. Nawala yung happy|.”

Sabad naman ni @itshagab: “Papi, saan na u? @concepciongabby!”

Nag-reply naman si Sharon na:”@itsshagab, isnabero iyon. Di ko nga alam bakit eh. Alam ko, okay naman kami! Di ko na alam!”

Sa palitan ng komentong ito sa Instagram, may kanya na namang kuda ang mga netizen.

Anila, dedma na raw si Gabby kay Shawie .

May mga nagsasabi namang mas type ni Gabo ngayong makasama ang mga batang leading ladies na sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa nare-relegate sa supporting roles.

Pang-uurot naman ng ilan, malamang daw ay gusto umano ni Gabby ng mas mataas na talent fee at equal billing kay Sharon kung sakali mang muli silang magtatambal.

Pansin naman ng ilan, paano raw gaganahan si Gabby na makipagbalikan sa kanya bilang screen partner kung away-bati ang nangyayari sa kanila.

Ito naman ang ilang komento ng mga netizen.

“Pathetic na moves ni Sharon kay Gabby. Lahat ng papansin on IG ginawa na niya but until now dedma pa rin siya ni boy.”

“Sabi ni Sharon dati hindi na daw siya umaasa na matutuloy pa yung movie nila pero how come until now pala nagpaparinig pa rin siya kay Gabby about the movie?”

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mega, hayaan mo sya kung ayaw ka nyang pansinin pero wag ka ng magsulat na parang hurt na hurt ka. Just move on from his pandedeadma.”

“Ayaw siguro madamay ni Gabby sa mga drama ni ate Shawie. Mukhang matahimik na tao si Gabby.”

Zoren hagad na

Miyembro na si Zoren Legaspi ng Highway Patrol Group.

Ito ang kanyang ibinahagi sa programang “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” tampok ang Legaspi family.

Ani Zoren, hindi madali ang kanyang pinagdaanang training para lang maging hagad.

Sa nasabing episode, ipinakita rin niya ang kanyang uniform.

“Akala nila peke ito. Pinaghirapan ko ito, hon,” sey ni Zoren sa misis na si Carmina.

Naikuwento ni Zoren ang bago niyang tungkulin nang pumunta sila sa kanilang rest house sa Batangas.

“Yung mga civilian, hindi basta-basta nakaka-penetrate doon, so mga selected civilian lang ‘yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilians na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito,” hirit ng actor.

Ang highway patrol group ang tungkuling ipatupad ang batas pantrapiko sa lungsod.

Trabaho rin nila ang panatilihing ligtas ang mga kalsada.

Sa naturang show, binati naman ni Carmina ang kanyang mister sa bago nitong achievement.

Ipinakita ni Zoren ang kaniyang husay sa pagmamaneho ng motor at saad niya, “Nakita mo naman mabait ako mag-motor ‘di ba?”

Bukod sa kuwento ng latest achievement ni Zoren, ipinakita rin sa episode na ito ang kanilang quick getaway bilang pamilya sa kanilang rest house.

Dito ipinakita nina Carmina, Zoren at kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi ang ilang fun activities na kanilang ginagawa sa bahay.

Meron ding yummy recipe na inihanda si Carmina para sa kaniyang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.