Abante Tonite Interactive

Gabby ‘di maramdaman ang suporta kay Garie

1,263

tonite-this-is-it-roldan-castroIniintriga na hindi maramdaman ang suporta ni Gabby Concepcion sa kanyang anak na si Garie Concepcion. Wala raw kasi ito sa premiere night ng pelikulang ‘The Lease” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Baka raw busy lang ang kanyang ama sa taping sa malayong lugar pero nandoon naman daw ang pamilya ni Gabby. Nagpunta naman daw ang tita niya na kapatid ng aktor.

“Napakaimportante po sa akin ng movie na ito. This is my laun­ching film, ibinuhos ko po ang lahat dito. I auditioned for the role, inaral ko ang lahat dahil ayaw kong mapahiya sa lahat, from the director, to the cast, producer, etc!” deklara ni Garie.

‘The Lease’ is a psycho-horror movie na magpapasindak-magpapaangat sa inyo sa upuan, at kasama rito ni Garie ang Italian actor na si Ruben Maria Soriquez (siya iyong gumanap na father ni Liza Soberano sa ‘Dolce Amore’), Edmund Santiago, and child stars Jill Demski and Harvey Almoneda. This is directed by Italian director Paolo Bertola based on the novel by Mario Alaman, under Utmost Creative Productions.

***

Kamille nakakapaglaway ang kariktan

Malakas ang laban ni Kamille Alyssa P. Quiñola ng Ilocos Sur. Kandidata siya ngayon­ sa Miss Tourism­ Phili­ppines 2018. Nakapaglalaway ang kariktan.

Siya’y 24 years old at may sukat na 34-25-36.

Nag-aral siya sa University of Northern Philippines (Bachelor of Science in Nursing at Master of Arts in nursing).
Nagtatrabaho siya bilang nars sa Ilocos Sur Provincial Hospital.