Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabby mas cool kay Sharon

0 699

Hanggang ngayon, inuurot pa rin ng ilang kibitzers ang relasyon ni KC Concepcion sa Megastar na si Sharon Cuneta at sa estranged husband nitong si Gabby Concepcion.

Sa birthday kasi ng kanilang panganay, pinili nitong mag-spend ng kanyang kaarawan sa piling ni Gabby at ng iba pa niyang half-sisters.

Walang pagsidlan sa kaligayahan si KC habang nakikipag-bonding sa kanila na kitang-kita sa na-upload na video sa Instagram.

Sa IG post ni KC kung saan ibinahagi niya ang larawan kasama si Gabby, very thankful siya sa priceless moments ng bonding nilang mag-ama. Sinabi rin niyang cool, joker

May nang-iintriga naman sa post ng vlogger-actress.

Hirit ng ilang bitchy netizens, mas bet daw makasama ni KC si Gabby kumpara kay Sharon. Mas cool daw ba si gabby kumpara kay mega?

May ilang nang-uurot rin kung ano kaya ang meron kay Gabby na wala kay Sharon?

@@@

Bea hirap abutin ng mga lalaki

Pinatunayan ni Bea Alonzo kung gaano siya ka-organisado nang ipasilip niya ang kanyang pantry at ang kanyang ref sa tour na isinagawa niya.

Bukod sa maayos na pagkakaimbak ng mga pagkain sa kanyang pantry, kumpleto rin ito sa label at maging sa expiration date ay nakalagay sa mga ito.

Ipinakita rin niya ang hilig niya sa healthy foods o snacks.

Obserbasyon naman ng mga netizen, sobra raw palang metikoloso ni Bea.

Lumalabas daw na sigurista rin ito dahil hindi ito papasok sa pakikipagrelasyon na walang label.

Hirit pa ng iba, hanggang sa maliit na detalye raw ay gusto nitong maayos. Dahil dito,mahihirapan daw ang sinumang lalakeng less successful sa pamantayan niya sa buhay.

Si Bea raw ang tipong seryosohan kung makipagrelasyon at hindi magse-settle sa pa-fling fling lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.