Abante Tonite Interactive

Gabby mas type pag-usapan si Jodi kesa kay Sharon

By
0 808

tonite-imo-vinia-vivarOkay na okay kay Gabby Concepcion kung sakaling mag-aasawa na ang panganay niyang anak na si KC Concepcion. Alam niyang in-love ngayon ang dalaga niya sa French boyfriend nitong si Pierre Emma­nuel Plassart.

“Kahit na anong gusto niya, ‘yun na rin ang gusto ko,” natatawa niyang sabi nang makatsikahan namin kahapon sa last shooting day ng pelikulang Man & Wife na dating Gulong ng Pa­lad with Jodi Santamaria under Cineko Productions.

Biro pa ni Gabo, “kung gusto niya akong maging Best Man, pwede rin.”

Nagkatawanan tuloy.

Na-meet na ba niya personally ang boyfriend ng anak?

“Hindi ko pa nakilala pero mukhang mabait naman,” sambit niya.

Hindi nga raw niya masyadong inaabala ang anak dahil alam niyang naka-focus ito sa boyfriend. Alam din niya si­yempreng nasa Paris si KC ngayon with her BF.

“Pinababayaan ko na lang kasi alam mo tayo, pag in-love tayo, minsan, nakakalimutan natin ang nasa paligid natin. Ganu’n talaga ‘yun.

Kahit na sino. Nakalimutan na nga niya ang showbiz, eh.

“Okay lang ‘yun, buhay niya ‘yun, eh. Whatever makes her happy, eh doon tayo.”

Of course, ready naman daw siya if ever na magsabi na si KC sa kanya that she wants to settle down.

“Alam mo naman ako, sala sa init, sala sa lamig, anything goes, kahit na ano.

“Sabi ko nga sa ‘yo, mula nang dumating ako noong 2008, anything that happens, you just take it, everyday, per day, by the day, and so far, wala akong regrets, because everything that happened to me in 2008 was just a bonus, puro blessings, puro pasasa­lamat,” aniya.

Mula raw noong 2008 na dumating siya sa Pinas, wala raw siyang complaint at sa halip ay thankful pa nga raw siya sa lahat ng nangyari.

“Kasi, kung baga, this is my second life. Para makabalik sa showbiz na mabigyan ako ng ganitong blessings, ano pa ang iko-complain mo? Eh ‘yung iba pa nga, minsan, gustong mag-umpisa ng buhay sa showbiz, hindi makatungtong,” he said.

Natanong din namin kay Gabby ang tungkol sa isa pa niyang anak na si Garie Concepcion na mukhang ikakasal na rin kay Michael Pangilinan naman.

Ayon sa aktor ay wala naman daw siyang balita tungkol dito.

“Mga buhay nila ‘yan. Hindi ko naman matutukan. Wala naman akong say sa kanila, medyo may edad na sila. So, buhay na nila ‘yun.
“Basta ako, all support sa mga ginagawa nila and if nagkulang ako sa support, pasensiya na, but I will always be there naman, eh. Hindi naman nawawala ‘yung concern ko sa kanila.

“Siyempre, you can’t be there 100% all the time, pero of course, the intention is there,” sey ng aktor.

Siyempre, hindi rin naiwasang maitanong sa kanya ang ex-wife na si Sharon Cuneta lalo’t nagdiriwang ito ngayon ng 40th anniversary and we all know na malaking bahagi siya ng karera ng dating asawa.

“Pag-usapan natin itong ano, kami ni Jodi dahil kawawa naman kami, wala kaming publicity, pasensiya na ha? Bigyan natin ng pansin ito, kawawa naman kami. First time namin ni Jodi,” saad ni Gabby na obviously ay umiiwas kaya hindi na siya kinulit pa ng press.

Talking about the movie, natanong namin ang aktor kung ano ang nakapagpaoo sa kanya sa ‘Man & Wife’?

“This is for MMFF (Metro Manila Film Festival), first time kaming magwo-work ni Jodi, first time kaming magwo-work ni Denise (Laurel), so the casting alone, I said okay.

“Ang kagandahan niyan, two different stations nagme-merge which is good. And the story is okay. Si Laurice pa. And ‘yung story niyan, may history.

“With those combination, I hope, magustuhan nila ‘yung movie.”

Si Gabby ang gaganap na Carding sa Man & Wife habang si Jodi naman ay si Luisa na dating ginampanan nina Marian­ dela Riva and Ronald Corveau ng hit 70s drama series na Gulong ng Palad.