Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabby naawa may KC

0 147

Naawa si Gabby Concepcion sa anak na si KC Concepcion nang huli silang magkita very recently.

Kwento ni Gabby sa 24 Oras, nagkita sila ng panganay na anak bilang belated celebration nila ng birthday ng aktor.

“Magkasama kami, kain kami sa restaurant. Tapos, naawa ako sa kanya dahil pauwi na kami, eh ayaw niya akong bitawan, ayaw niya akong pauwiin,” sey ni Gabby.

Matagal din kasing hindi nagka-boding ang mag-ama dahil nga sa pandemya kaya naman hindi kataka-takang ma-miss siya ng kanyang eldest daughter na noon pa ay alam naman nating Daddy’s girl.

SM food to go Banner Ad

Kwento pa ni Gabby, mula 7pm hanggang hatinggabi ay magkasama sila ni KC at nang maghihiwalay na nga sila ay umiyak ang anak.

“Umiyak dahil ayaw niya akong iwanan. So, naawa naman ako,” he said.

Mensahe ni Gabby sa anak ay pwede naman silang magkita anytime at sey pa niya, “I’m just a text away.”

Matatandaang idinokumento pa ni KC sa kanyang Instagram Story ang date nila ng ama. Sunod-sunod ang kanyang post ng video at makikita mo talaga sa kanya ang labis na kasiyahan sa muli nilang pagkikita after several months. ( Vinia Vivar)

Sent from my iPhone

Leave A Reply

Your email address will not be published.