Abante Tonite Interactive

Gabby, nagbunga ang DELICADEZA

102

ANO kaya ang magiging reaksyon ni Sharon ­Cuneta sa paliwanag ni Gabby ­Concepcion kung bakit ­hindi natuloy ang kanilang pelikula?

Sa panayam na inilathala sa isang entertainment portal, ang major-major reason kaya hindi ito natuloy ay dahil, “Gusto ko makabasa ng script bago ako tumanggap. Wala akong ­nakitang istorya.

“Puro synopsis. Maganda kung may istorya, tapos from there, ­puwede nang baguhin.

“Kasi nalalagyan mo na ng idea, kung ano ‘yung gagawin ko, saan ako puwede mag-contribute.”

Dagdag paliwanag ni ­Concepcion, “Kapipirma ko lang sa Seven. Nahihiya ako sa Seven na gagawa ako sa kabila. Bagong pasok ako.

“I just felt na ayokong mawala ‘yung momentum ng Seven, na kauumpisa lang namin, tapos bigla akong gagawa sa iba.”

Tama ang desisyon niya na pairalin ang deli­cadeza at bigyang-­halaga ang trabaho niya sa Ika-6 na Utos dahil consistent na mataas ito sa ratings, ipinalalabas mula Lunes hanggang Sabado, at ang icing on his cake, ang kanyang Asian Star Prize mula sa 12th Seoul International Drama Awards para sa top-rating afternoon prime teledrama.

Matutuloy pa yata ang movie nila ni Shawie dahil ang dramarama ni Gabo na hindi sana kiyeme latik, “Maski one time lang, whether it’s the last movie we’ll ever gonna do, at least meron kaming prinisinta.”

Nawa’y nauunawaan ni Mega ang mga paliwanag ni Ginoong Concepcion.

Tutal, magkakatrabaho naman sila ni Robin ­Padilla soon.

Ang dasal ng Sha­ronians, age ­appropriate nawa ang kwento of their movie together.

At sana, pag nag-promo time na, huwag nang maungkat ang nakalipas nilang di na dapat balikan pa at sariwain.

Mga maka-Sharon at Gabby, hope springs eternal, ikanga, so let us keep the flame burning.

Malay mo, malay ko, malay nating lahat, the right material/story will manifest at talagang it is worth the wait.