Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabby nagselos sa halik ni Boyet kay Sharon

0 189

Ikinatuwa ng mga solid Sharon Cuneta-Gabby Concepcion fan ang post ni Megastar last Tuesday kung saan ay nagbalik-tanaw ang aktres sa kanyang lumang pelikula.

Ipinost ni Sharon sa kanyang Instagram ang larawan ng isang eksena nila ni Christopher de Leon sa pelikulang Kailan Sasabihing Mahal Kita and revealed na pinagselosan pala ni Gabby (na noo’y asawa pa niya) ang kissing scene nila ng leading man.

“I am watching “Kailan Sasabihing Mahal Kita” now, my first movie after I had given birth to Maria Kristina Cassandra. I was nineteen! My third with Christopher De Leon (the first wasn’t really a full movie. Viva asked Boyet to do a cameo in my “Bukas Luluhod Ang Mga Tala” before I got married to see if Boyet and I had on-screen chemistry together! Then we did “Bituing Walang Ningning!”).

“Then-hubby was so upset at the ending’s kissing scene that I had to beg Viva to cut it just before Boyet’s & my lips touched! Hahaha!” ang pagkukuwento ni Sharon.

Dahil nga pinatanggal niya ang kissing scene, nabalitaan niyang nainis daw si Boyet (nickname ni Christopher). Pero pagkatapos ng maraming taon ay nagkasama sila sa Madrasta at nagkaroon ulit ng kissing scene. That time siyempre, wala na sila ni Gabby kaya wala nang magseselos.

“Balita ko nainis si Boyet after he’d watched the movie. Professionals nga naman kami. Kaya nung finally nakiss nya ako sa “Madrasta” – sabi niya after the scene, “Patingin nga (ng monitor)! Thirteen years ko hinintay ang lintek na yan!” Hahahaha!

“Kasi may movies pa kaming ginawa between “Kailan…” & “Madrasta” & we never kissed in a scene! Ganon talaga ako nung araw. Ibang panahon,” pagbabalik-tanaw pa ni Shawie.

Inamin din ni Megastar na original crush niya si Boyet, bago pa man siya pumasok sa showbiz.

“Ang ganda-ganda ng movie na ito! Kasama ko pa si original crush (bago pa ako nagsimula kumanta crush ko na siya)! At Cebuana nga pala ako dito. Nagbibisaya ng konti lang. And it was directed by the great Eddie Garcia. Also starred me with my Cherie Gil and some of the best actors of their generation. Theme song written by George Canseco, sung by yours truly. Only the very best of everything from Viva. I am beyond grateful. God has been so good to me. (At ampogi ni Christopher talaga maryosep!)” ang pagtatapos ni Sharon.

Sobrang kinilig ang mga Sharon-Gabby fan sa rebelasyon na ito ni Shawie.

“ShaGab nation pasok sarap mo talaga magkwento Mama Babes, di ko mapigilang di kiligin lalo na kapag ganito na mga kwento,” komento ng isang fan.

Reaksyon naman ng isa, “kilig na abot hanggang mars.”

Sagot naman ng isang fan, “naglevel up na yung kilig ko mula earth hangang Neptune.”

Comment naman ng isang netizen, “Ahaha, seloso kasi si Papa G.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.