Abante Tonite Interactive

Gabby at Sharon naghaharutan

By
4,390

WALA talagang pwedeng ilihim sa showbizlandia, huh! Sa isang Facebook post, bumulaga ang lara­wan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.  Bida ang mga parentals ni Kristina Cassandra Concepcion sa advertisement para sa isang fastfood chain.

Kitang-kita sa mga lara­wan postings na ang staff at crew, super happy sa shooting­. Kahit sina Ate Shawie at Gabo, parehong professional at in their best behavior kaya smooth sai­ling at tila walang alingas­ngas na tsika tungkol dito. Kaya naman pala sila naghaharutan sa kanilang social media exchanges of late, ito pala ang dahilan, huh!

Kailan kaya eere ang commercial? Sa Valentine’s day kaya? Kapana-panabik. Kaabang-abang! Super mega-kilig! Ang taray ha!

***

ANG nagmamataray, si Jenine Desiderio, dahil nga may paandar naman ito na, “Makapal na, sinungaling pa?”

Maaaring para kay Elmo Magalona, ang partner ngayon ni Janella Salvador, ang unica hija ni Desiderio.

Si Elmo ba ay trabaho lang walang personalan na kapareha ni Salvador o kahit totohanan na talaga ang kanilang relasyon kaya ganun na lang ang gigil at poot ni Jenine sa binatang Magalona?

Obviously, hindi bet ni Jenine si Elmo para sa kanyang dalagang si Janella.

Is this a case of mother knows best o masyado lang mapaglaro ang imahinasyon ni Desiderio?

Sa totoo lang, marami ang hindi natutuwa sa mga social media postings ni Jenine lalo na nga’t ang da­ting, kinakawawa niya ang kanyang anak.

Pero social media account ‘yun ni Jenine at karapatan niya kung ano ang gusto niyang ilagay. At saka, wala naman siyang pinapangalanan kaya nanatiling pahulaan kung sino ang kanyang pinarurunggitan.