Abante Tonite Interactive

Gabby simple ang patama kay Sharon

0 1,318

Dahil sadyang mapaglaro ang imahinasyon at matataba ang mga utak ng mga dalahira at katkatera, nagmumuni-muni naman sila dahil sa mga ibinabahagi ni Gabby Concepcion sa Instagram.

Sa kanilang pakiwari, ang mga quotable na salitang ibinabalandra ni Concepcion ay mga simpleng patama. Maaari ring parunggit sa kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta at show of support naman para sa anak niyang si Kristina Cassandra.

Ilang halimbawa sa mga sharing in the IG world ni Papa Gabriel ay: “The less you respond to negative people, the more peaceful your life will become,” “Happy are those who knows it’s the little things that mean the most,” at “You’re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that.”

Kung sadyang malikhain ang iyong pag-iisip at ikaw ay numero unong malisyosa, hindi na kataka-taka at mas lalong hindi nakakahibang na ang inyong pakiwari eh nagpaparunggit nga si Concepcion sa mga aria ni Cuneta tungkol kay Cassandra. Para sa mas nakakarami, is doing more harm than good sa magandang dalaga.

Kasi nga naman, ang madrama mo pang nanay ang walang tigil sa kaka-kuda at kaka-hanash sa social media, sa mga panayam eh pwede naman niyang maging choice na manahimik na lang, magdasal at manalig na KC will come back to her senses.

Kung saka-sakaling ginagawa nga ito ni Papa G para sa kanyang dalaga, wala namang masama. It comes with his paternal territory. Sana nga lang, ang nag-iisang Megastar, huwag masamain at huwag maniwala at manalig kaagad-agad na para sa kanya ang mga IG posting ni Concepcion.

Dahil kung mananalig siya na para sa kanya iyon at si Gabby ay kamping-kampi sa kay Kristina, malamang na kung hindi open letter for Gabby Concepcion, may word war na naman silang sasabog sa social media.

Huwag naman sana kasi nakakasawa na ang ganyang mga dramarama. Nakakaumay na, hindi ba naman?

Yeng ayaw makalaboso

Speaking of being responsible sa mga social media posting, ang singer na si Yeng Constantino is learning the hard way tungkol dito.

Ginagamit na naman niya ang lahat ng legal remedies para hindi siya makalaboso sa reklamong isinampa laban sa kanya mula sa isang doctor.

Ano ang aral na makukuha natin sa pangyayaring ito sa buhay ni Constantino? Una, na kapag ikaw ay emosyonal, natataranta, nasa isang sitwasyong tunay na nakakabahala, itikom ang bibig at huwag ibidyo ang iyong saloobin.

Kasi ‘pag emosyonal tayo, we can say the most damaging, hurtful and meanest things na hindi na puwedeng bawaiin.

Hindi rin dapat lahat ng mga nangyayari sa iyo o sa mga mahal mo sa buhay ay video documented. ‘Yun bang ang pagputak ay wagas na wagas at captured for posterity lalong-lalo na kung ikaw ay isang celebrity.

Hindi puwedeng palagi na “nagpapakatotoo” lang ako palagi. You must always be tactful. Weigh your actions and words dahil lahat iyan may consequences na maaaring ikagulat mo na lang.

Pangatlo, bago ka mag-upload, rebyuhin mo muna at dapat hindi ka na emotionally high strung ‘pag pinanood mo ulit ang iyong bidyo. May wisdom talaga sa think before you click. Kung magpapadalos-dalos ka sa iyong pagmamaganda, alam mong kung ano ang dinaranas na hassle ni Yeng sa kasalukuyan, iyo ring pagdaraanan.

Ang latest, ang Philippine Medical Association (PMA) ay binubuksan ang kanilang mga puso at tanggapan para tumulong kay Yeng na mag-mediate sa pangyayari.

Ai Ai bugbog-sarado sa Twitter

Dahil sa kanyang anti-same sex marriage position, ang mga pangmalakasang panlalait sa Comedy Queen Ai Ai delas Alas, wagas na wagas.

Sa true lang, shookt nga ang diva that you love kasi parang alam talaga nila ang pros and cons of a same sex marriage and its societal and cultural implications. Kung kutyain nila si Delas Alas sa Twitter, parang lahat sila ay busilak, walang naging karnal na kasalanan at pwedeng ialay sa bulkang nagngagalit para tumahimik ang pag-aalburoto nito at nagbabadyang pagputok.

Dahil nga nasa katwiran naman si Delas Alas, ang mga sumusumpa sa kanyang paparating na pelikulang “D’Ninang,” magtagumpay kaya?