Abante Tonite Interactive

Gabby Tsugi kina Sharon-Richard

By
1,336

Tuloy na ang pelikula ng ex-sweethearts na sina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Kahapon ay may post si Goma sa kanyang Instagram Stories na nasa storycon na sila ni Sharon sa opisina ng Star Cinema.

Ang dami agad na-excite at kinilig sa muling pagtatambal ng ShaChard, na 30 years ago na ang unang pelikula na “Buy One, Take One” sa Viva Films.

Ang huli nilang movie together, ang “Walang Kapalit” (2003) na dinirek ni Joel Lamangan.

Ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng ­reunion movie ng ­Sharon-Goma na “Three Words to Forever”.

Si Cathy rin ang nagdirek ng hit Sharon-Ro­bin Padilla mo­vie na “Unexpectedly Yours” last year kasama ang JoshLia loveteam.

After Robin ay si Goma naman. Mga la­laking dating minahal ng Megastar ang nakaka-reunion niya sa big screen.

Sayang at hindi na­tuloy ang original choice talaga na ma­ging leading man ni Shawie na si Gabby Concepcion. Mukhang hindi pa ito meant to ­happen, so huwag munang ipilit.