Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabi ng Misteryo

0 115

Mga Ka-Misteryo dahil tuluy-tuloy ang nangyayaring Misteryo sa ating kapaligiran, isang kapana-panabik na pagbabalik sa himpapawid ng orihinal na Misteryo Program sa DZRH.

Saktong 11 taon mula ng huling broadcast ng programang Misteryo sa DZRH noong 2011, ito ay balik na muli sa himpapawid alas-10 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi tuwing Sabado.

Makikipagtalakayan tayo sa magagaling na psychics, ghost hunters at paranormal experts kung ano na ba ang kanilang karanasan para tuklasin ang katotohanan sa kabilang buhay, ibang dimensyon at ang mga gumagalang mga nilalang sa daigdig ng mga buhay.

Gaano ba katotoo na may mga white lady, black lady, engkanto, maligno, ufo, ekstraterestriyal at mga anghel? Yan ang sasagutin ng mga eksperto at tatakayin ng inyong lingkod sa makabagong programang Gabi ng Misteryo.

Tulad na lamang ng karanasan ni Leony ng Marikina na hinahabol ng bruha sa kanyang out of body experience.

Misteryo: “Paano ka hinabol ng bruhang ito? Bruha ba sabi mo? Ibig sabihin ito ay mangkukulam o black witch ba?”

Related Posts

Leony: “Yun ang tingin ko at pakiramdam ko sa kanya kasi ang pangit ng hitsura niya sobrang gulo ng buhok niya, tabingi ang mukha niya at umaangil siya ng parang aso. Nasa labas ako ng katawan ko nun habang natutulog ang katawang lupa ko. Lumabas ako ng bahay namin at dun ko siya nakita papalapit sa akin.”

Misteryo: “Ano ang ginawa mo? Tumakbo ka ba palayo? Dapat lumipad ka na lang kasi naka-astral ka naman o kaya nilabanan mo siya kasi may kakaiba kang abilidad sa kabilang dimensyon.”

Leony: “Wala akong magawa nanghina ako. Humingi ako ng saklolo sa nanay ko na nakita ko raw sa out of body ko pero hindi niya ako narinig. Kaya takot na takot ako. Hinabol ako ng bruha at naipit ako.”

Misteryo: “Paano ka nakatakas sa kanya? Ano ang ginawa mo?”

Leony: “Biglang may liwanag na nag-appear sa harap ng bruha at nakita ko hinarang niya ito para hindi makalapit sa akin. At bigla ko naramdaman lumakas ako kaya nakawala ako at nakabalik ako sa katawan ko. Yun balik ako sa pisikal.”

Ang liwanag na biglang litaw sa harap ni Leony ay posibleng spirit guardian niya. Lagi nating isipin na ang spirit guardians natin ay nandyan lang at handa tayong protektahan.

Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com, Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.con.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.