Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabi ni Jokic wasak sa Jazz

0 138

Rumesponde si Bojan Bogdanovic sa maalat na gabi nina Donovan Mitchell at Jordan Clarkson, at naligtasan ng Utah Jazz ang big night ni Nikola Jokic sa 76th NBA regular season game nitong Miyerkoles sa Pepsi Center sa Denver.

Pasabog ng season-high 36 points, 13 rebounds si Bogdanovic at tinakasan ng Jazz ang Nuggets 115-109.

1 for 9 lang si Mitchell sa labas ng arc, pero tumapos ng 17 points, 5 of 13 sa field si Clarkson tungo sa 13 points.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ambag ng 18 markers si Rudy Gay, may 13 points, 11 rebounds at 5 assists si Royce O’Neale para sa 28-10 Jazz na sumampa sa 28-10 at tinabig ang biktima sa 18-18.

Nawalan ng saysay ang 64th triple-double na 26 points, 21 rebounds, 11 assists ni Jokic.

Umabante ng hanggang 13 sa third quarter ang Utah, idinikit ng Denver sa 94-91, pero sumagot ng layup si Bogdanovic, sinundan ng tres nina O’Neale at Clarkson na umipit sa free throws ni Nuggets forward Bill Barton at muling lumayo ng siyam ang mga dayo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.