Abante Tonite Interactive

Gabinete namumuro nang ma-pendong kay Digong

By
79

Namimiligrong matulad sa mga dating nag-‘goodbye’ na kasamahan ang isang miyembro ng gabinete kapag hindi nito matapos ang assignment na ibinigay na deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Makailang beses na kasing pinansin ang tanggapan ng kalihim dahil sa makupad na aksiyon sa utos ng Presidente.

Katunayan, binigyan pa itong si cabinet secretary ng isang  buwan para magpakita ng resulta kung ayaw nitong mapalitan sa puwesto, pero hanggang ngayon ay nganga pa rin!

Sus marya kulasa! Pasalamat si secretary dahil may ibang pinagbabalingan ng galit ang Presidente ngayon, pero lagot ang opisyal kapag naalala  ang utos sa kanya.

Binigyan si secretary ng isang buwan ni Presidente para ayusin ang ibinigay na assignment pero ka-suwerte naman, tatlong buwan na ang nakalipas at tila lumagpas na ito sa  memorya ni Pangulong Duterte!

Malapit ng matapos ang giyera sa Marawi City pero tila hindi na magagamit ang utos ng Pangulo dahil hanggang ngayon nganga pa si cabinet secretary! Anyare beh???

Pero kahit tila nagkakalimutan, hindi pa rin ‘saved by the bell’ si secretary dahil haharap ito sa mahirap na pagsubok ng isang grupo na tila ba sa pakiramdam ay dadaan sa butas ng karayom o kaya naman ay tutulay sa sotanghon o dili kaya ay maki­pag-agawan ng blade!

May isyu kay secretary kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakakakuha ng green light sa isang makapangyarihang komisyon. May mga sumbong kasi sa Palasyo na itong si secretary  ay galante at mapagmahal kaya ‘yung mga kakampi sa hinahawakang ahensiya ay isinasama sa mga biyahe  nito sa abroad! Hala bawal ‘yan ma’am!

Ang cabinet secretary ay naging bukambibig ng mga moralista dahil kontra sa planong pamumudmod ng libreng bagay  sa mga estudyante sa high school na parang plastic balloon!  Gets mo?