Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabinete sisilipin mga LGU partner sa COVID war

0 81

Mag-iikot sa linggong ito ang mga gabinete ng Malacañang para alamin ang pangangailangan ng mga bayan at lungsod na itinoka sa kanila kaugnay sa problema sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kanya-kanyang schedule ang mga big brother para bisitahin ang mga lugar na iniatang sa kanila.

Sa Sabado pa aniya siya bibisita sa Pasay City na siyang itinoka sa kanya para alamin kung ano ang mga puwedeng itulong ng national government sa paglaban sa COVID-19.

Si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon ay naka-schedule ngayong Miyerkules sa Makati City para kausapin ang mga opisyal ng lungsod.

“Kami po ang magsisilbing tulay para maibigay kung ano ang pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan dito sa Metro Manila,” ani Roque.

Nais lamang aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis ang pagbibigay -tulong sa mga lungsod o bayan na mataas ang problema sa COVID-19.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.