Abante Tonite Interactive

GabJen panalo sa ratings

389

tonite-this-is-it-roldan-castroGood vibes talaga ang hatid ng tambalan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa romcom series na “Love You Two.” Sila na kasi ngayon ang kinagigiliwan ng primetime viewers na gabi-gabing nakatutok sa kanilang serye. Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa kaya naman bentang-benta sa manonood ang kanilang mga eksena pati na ang kanilang mga dialogue.

Talagang hindi binigo ni Jen ang lahat ng nag-abang sa kanyang pagbabalik sa romcom dahil worth it ang paghihintay nila sa “Love You Two.”

Swak na swak sa kanya ang role ni Raffy na protective ate sa kapatid na si Shaira Diaz bilang si Sam. Kaya naman super happy ang Ultimate Star dahil nai-enjoy ng lahat ang programa. Maging si Gabby ay nagpapasalamat dahil sa suporta at pagtangkilik ng mga Kapuso sa kakaibang kuwento ng “Love You Two.”

Wagi sa ratings ang naturang serye nu’ng May 1 NUTAM PPL PRIME na may 8.7%.
Bongga!
***

Serye ni Yasmien ‘endgame’ na

Taos-pusong pasasalamat ang handog ni Yasmien Kurdi sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sa “Hiram na Anak” na magtatapos ngayong hapon.

Memorable sa kanya ang seryeng ito dahil sa nabuong friendship mula sa staff, crew at cast na nakasama niya nang ilang buwan. Isa sa naging masayang experience niya ay ang makatrabaho si Lauren Young.

Saad niya, “Ang saya magkuwento hehe. Kahit nakakapagod at nakakaantok, gumagaan ‘yung work. Sana makatrabaho kita uli sa next project. Love you!”
***

Julia Mae photobomber ang bumper

Matayog ang pangarap ni Julia Mae Mendoza. Gusto niyang maging Miss World o Miss Universe. Siya ay 23 years old.

May sukat siyang 34-24-33. Kaya’t ‘di nakapagtataka na bukod sa kanyang ganda ay malilipat ang paningin mo sa kanyang bumper. Agaw-atensyon!

Nag-aral siya sa University of Caloocan City ng BS Office Administration.

Gusto rin niyang magkaroon ng sariling bahay at negosyo para sa pamilya niya.

Meron daw siya ngayong food stall sa Intramuros.

Ang mga hinahangaan niya ay sina Megan Young, Lovi Poe, Solenn Heusaff at Catriona Gray.
***

‘Local Legends’ ipapalabas na sa Dos

Mapapanood na sa ABS-CBN ang premyadong programa na nagdala ng karangalan sa bansa sa larangan ng paggawa ng dokumentaryo.

Simula ngayong gabi (Mayo 3), ipapalabas na ang “Local Legends” tuwing Biyernes pagkatapos ng “Bandila.” Ibinibida rito ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.

Sa unang episode, ibibida ang isang eksperto sa paggawa ng gitara sa San Antonio, Pampanga kung saan mahigit isang siglo nang ginagawa ang instrumentong ito.

Unang emere ang “Local Legends” sa ANC. Kamakailan lang, tumanggap ito ng Bronze World Medal sa prestihiyosong NY Festivals para naman sa episode na ‘Karne Norte.’