Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabriela binasura online protesta kay Marcos

0 92

Umalma si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa suhestiyon ng Philippine National Police (PNP) sa mga anti-Marcos protester na magsagawa na lamang ng online protest sa araw ng inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Tinawag ito ng solon na isang ‘overkill security protocols’ laban sa mga itinakdang demonstrasyon.

Giit pa ng kongresista, “paano hindi kikilos ang mamamayan eh hanggang ngayon, walang plano ang bagong administrasyon sa pagpapababa ng presyo ng langis at pagkain? Ganyan ba ang babangong muli? (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.