Abante Tonite Interactive

Gabriela naimbyerna sa pag-asinta sa amasona

By
0 2,295

Tinuligsa ni Gabriela Women’s Party (GWP) Rep. Emmi De Jesus ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan sa isang pagtitipon kung saan pinuntirya at pinag-initan nito ang mga babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa lady solon, ipinag-utos diumano ni PDu30 sa tropa ng gobyerno na barilin sa maselang parte ng katawan ang mga babaeng NPA.

“Duterte latest nasty remark openly encourages violence against women, contributes to the impunity on such, and further confirms himself as the most dangerous macho-fascist in the government right now. He has further presented himself as the epitome of misogyny and fascism terribly rolled in one,” komento ni De Jesus.

“He is dangerously pushing the fascist Armed Forced of the Philippines (AFP) to commit more bloody human rights violations and grave abuses of international humanitarian law, and takes state terrorism against women and the people to a whole new level,” dagdag nito.

Iginiit ng lady solon na ang ganitong klase ng pahayag ng Pangulo ay hindi dapat palagpasin sa gitna ng pinaigting na opensiba ng militar sa mga rebeldeng komunista.

Binatikos din ni De Jesus si Presidential spokesperson Secreatary Harry Roque sa pahayag nito na “feminists are sometimes OA.” “Speaking up for women’s rights will never be too much under a regime that brazenly degrades and disrespects women,” hirit nito.

Inihayag ng Gabriela solon na magsasagawa ng kilos-protesta ang mga kababaihan para maiparamdam ang pagtutol sa ganitong istilo ng Pangulo.