Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gabriela, tumanggap ng financial aid mula abroad – Esperon

0 111

Tumanggap ng financial aid ang Gabriela Women’s party-list group mula sa ibang bansa at sa ilang ahensya nito batay sa pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. kaugnay ng ginawang pagtestigo sa pagdinig ng disqualification case na isinampa ng NTF-ELCAC laban sa Gabriela sa Commission on Elections (Comelec).

Una nang nagsampa ng petisyon ang NTF-ELCAC laban sa Gabriela para matanggal ang kanilang mga registration sa party-list system. Sa kanyang pagtestigo, sinabi ni Esperon na tumanggap diumano ang Gabriela ng tulong pinansiyal mula sa pamahalaan ng Belgium at sa ilang accredited NGO nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay naman sa ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang Viva Salud ay nagpadala ng P1.811M remittance sa Gabriela noong Marso 28, 2019 at 6 remittances mula sa isang Intl. FCSTONE Ltd. sa London, UK na nagkakahalagang P1.058M hanggang P2.19M mula Setyembre 2015 hanggang Marso 2019.

Ayon kay Esperon, maliwanag na paglabag ito sa Section 2 paragraph 5, Article 9 ng Philippine Constitution na nagsasabing hindi dapat tumanggap ang anumang Partido ng tulong pinansiyal mula sa ibang bansa at ahensiya, at nakasaad din sa Rule 2, Section 8 (D) ng Comelec Rules of Procedures na ang ganitong aksyon ay puwedeng basehan ng pagkansela ng registration.

Leave A Reply

Your email address will not be published.