Abante Tonite Interactive

Gabuco, 2 iba pa sumuntok ng gold

0 215

Tagumpay ang pagsabak abroad ng mga pambato ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) bilang preparasyon sa parating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nov. 30-Dec. 11.

Gold ang sinungkit ni dating world champion at multiple SEA Games gold medalist Josie Gabuco sa 2nd Indian Open Boxing Tournament 2019 sa Guahati, India nitong Mayo 20-24.

Bukod kay Gabuco na nabiyayaan ng US$2,500 (P129K) sa pagdomina women’s light flyweight division, naka-gold din sa men’s middleweight si Eumir Felix Marcial para sa gayang grasya.

Bronze naman ang nadale ni Carlo Paalam tapos na masugatan ang bandang kilay at ‘di na pinasabak sa semifinals.

Pakitang-gilas din sina light flyweight Ramel Macado at welterweight Joel Bacho na mga naka-gold din sa 2019 Belt& Road Tournament sa Shanghai, China nitong Hunyo 2-9.

Walang talo sa limang laban si Macado, habang automatic gold si Bacho nang bigong makaharap ang Kazakhs dahil sa injury. Nakapagsubi sila ng $1,000 bawat isa.

Silver medalists sina Jeorge Edusma at Junmilardo Ogayre, at naka-bronze naman si Sugar Ray Ocaña.

“Actually, Philippine Sports Commission has been very helpful to all SEA Games-bound national sports associations as we ramp up our efforts. And we have been getting encouraging news from various disciplines. This is a very positive development in our goal for a successful staging of the Games. I thank Chairman Butch Ramirez, the commissioners and the entire PSC,” ayon kay ABAP president Victorico ‘Ricky’ Vargas.
(Ray Mark Patriarca)