Abante Tonite Interactive

Gabuco, Petecio mga top bet natin sa India AIBA WWBC 2018

356
ramil-cruz-turning-point
Tapos na pala ang 10-day training camp ng 5 mga bata nina Association of Boxing Alliances in the Philippines president Victorico ‘Ricky’ Vargas at secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa India nitong Nobyembre 3-12.
Pokus na sa pagsalang naman sa aktuwal na mga banatan ang ating national team sa 10th International Boxing Association World Women’s Boxing Championships 2018.
Pangungunahan ni Quinhuangdao 7th AIBA WWBC 2012 light flyweight gold medal winner Josie Gabuco sa 10th AIBA WWBC 2018 sa New Delhi, India sa Nob. 15-24.
Makakasama ng 31-anyos na tubong Puerto Princesa City, 4-time Southeast Asian Games queen at makikipag-umbagan sa 48-kilogram (flyweight) sa 10-araw na bangasan, si Nesthly Petecio, 26, ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
Nais mairesbak ni Petecio ang kabiguan noong Agosto sa Jakarta-Palembang 18th Asian Games 2018 noong Agosto. Naka-4 na gold siya sa 5 nilahukang torneo sa taong ito bago ang pagkabigo sa Indonesia Asiad.
Naka-silver na rin si Petecio sa Jeju 2014 WWBC at kakasa sa 57 kgs (featherweight).
Sasabak naman ang 2-time WWBC campaigner na si Irish Magno, 27, ng Janiuay, Iloilo sa 51-kg, si 2018 Jakarta-Palembang Asian Games veteran Aira Villegas, 23, ng Tacloban City ay aangas sa 54-kg (flyweight), at ang pinakabata sa grupo na si Carolyn Calungsod, 19, na makikibuntalan sa 60kg (featherweight).
Naging bahagi ng preparasyon ng Natio­nals patungo rito ang Indian Open Boxing Tournament noong Pebrero, Feliks Stamm Memorial Tournament sa Poland nu’ng Marso, Korotkov Memorial Tournament sa Russia nu’ng Mayo, at Kapolri Cup nitong Hunyo sa Indonesia, at Asiad nitong Agosto sa Indonesia.
Pakisubaybayan po ninyo kami ni United Continents Philippines 2017 winner, bes Sara Jireh C. Asido, sa mas pinasaya’t pinagandang ABANTE Sportalakan. I-like, i-follow at i-subscribe n’yo po kami sa FB: Abante News Online, sa FB: Abante Tonite. Sa IG: abante_tnt, sa Twitter: @AbanteNews, at sa YouTube: Abante Tonite.