Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Gadget huwag itabi sa pagtulog

0 182

Ang pagtulog ang pinakamahalagang bagay na nagpapalakas ng katawan. Hindi man sapat ang tulog ay nakakakilos pa rin tayo nang naaayon sa dapat gawin subalit kailangang punan din ito ng pagkain ng masustansya para mas magkaroon ng lakas at sigla ang katawan.

Katulad ng isang adult na kailangan ng at least seven hours na tulog sa gabi pero hindi naman nangyayari, ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Base sa pag-aaral, mas iniisip ng adult ang mga dapat na gawin kesa matulog na nakapagdudulot ng anxiety, depression sa kanilang sarili.

Ginagambala ng kulang sa tulog ang mga dapat na gawin na kung san nawawalan ng gana at kung sa mga kabataan naman ay “social jet lag” ang tawag na wala sila sa sarili.

Madalas namang dahilan ng kulang sa tulog ay ang pagtulog katabi ng gadget.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil sa gadgets ay nauubos ang oras na para sana sa pahinga o pagtulog.

Sa pag-scroll sa social media o panonood ng movies ay talagang nakaka-adik kaya nakakalimutan mo na ang oras na para matulog.

Ang addiction sa smartphones ay nakapagdudulot ng drive sleep difficulties, ayon sa pag-aaral ng college students published in Frontiers in Psychiatry.

Kaya naman ini-encourage nila ang mga tao na ilayo ang cellphones o walang TV sa loob ng kuwarto na nakalaan bilang silid-tulugan para hindi masayang ang oras at kung hindi naman inaantok ay mabuting magbasa o magpatugtog ng calming music na makapagbibigay ng relaxation ng katawan.

Ugaliin din ng dapat ng bawat pamilya ang tamang sleep habits. Sanayin ang mga bata ng tamang oras ng pagtulog at maging model din sa good sleep na dadalhin ng anak paglaki o kakasanayan ang tamang oras ng pagtulog para magkaroon ng masiglang pangangatawan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.